Placeholder text
Naglalakbay din ang Aking mga Tula sa Mundo ng Kariktan
0 - Default Title
Description
Ang aklat na ito na pinamagatang "Naglalakbay din ang Aking mga Tula sa Mundo ng Kariktan" ay isang pagtatangka ng makata na maipinta sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng kaniyang makulay na panulat ang mga natatagong kariktan ng buhay. Tampok sa aklat na ito ang dalawang koleksyon ng mga tulang naglalaman ng mga tulang makabuluhan at salaminan ng buhay sa ibabaw ng lupa, mga tulang inilakbay sa malalayong panahon, mga tulang nagsilbing tulay tungo sa iba't ibang emosyong naging bahagi na ng istruktura ng kaluluwa, mga tulang naging tahanan na ng mga damdaming naligaw at mga tulang naging payapang kanlungan ng mga kaluluwang hindi nailahad ang kanilang mga pangarap at lihim sa mundo.
Ang unang koleksyon sa aklat na ito ay pinamagatang "Mga Tulang Naligaw sa Kariktan ng Nayon: Isang Koleksyon ng mga Tula" na binubuo ng 20 tula at ang ikalawang koleksyon naman ay pinamagatang "Ang Guryon ng Batang Pipi at Iba pang Tula" ay binubuo ng 17 tula. Ang mga tulang kabilang sa aklat na ito ay isinulat ng makata sa iba't ibang panahon at pagkakataon na katas ng kaniyang malawak na karanasan sa buhay at paglalayag niya sa mga pinahahalagahan niyang paniniwala, pilosopiya at prinsipyo. Nawa'y maibigan ng bawat mambabasa ang mga tulang kabilang sa aklat na ito at makapaghatid ng malalim na kakintalan sa puso at isipan ng bawat isa. Patunay lamang na ang mga tulang isinulat ng makata sa aklat na ito ay nakapaglalakbay rin sa mundo ng kariktan, isang marikit na anyo ng sininig, isang espesyal na handog para sa lumalaganap at tumitingkad na panitikang Filipino ng bansa. Maligayang pagbabasa po sa inyong lahat."
Product details
- Number of Pages:
- 56
- Publication Date:
- 2025-05-30
- Publisher:
- Ukiyoto Publishing
- Languages:
- Published: Filipino, Original: Filipino
- ISBN10:
- 9370096647
- ISBN13:
- 9789370096646
- GPSR Manufacturer Reference:
- [email protected]
- Weight:
- 247 g
- Height:
- 157 cm
- Width:
- 235 cm
- Thickness:
- 8 cm
Currently sold out